<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7629451\x26blogName\x3dtOts+to+ponder..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://decaffein8d.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://decaffein8d.blogspot.com/\x26vt\x3d-1489537918626018001', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

tOts to ponder..

"As much as I would want to share every complicated thought that runs through my head, I believe speech does not permit me to do so. Writing it down perhaps may help me come up with a good approximation."

-recall-

marami akong gustong ipaliwanag sayo, hindi ko nga lang alam kung san ako magsisimula. hindi ko rin alam kung maiintindihan mo. sa tingin ko hindi, kasi naman talagang ang gulo-gulo ng mga yun. pero watdaheck...

dinedread ko ang moment na ayain mo ako uli. kasi honestly, hindi ko hindi gustong lumabas with you. yun nga lang, alam kong hindi pa dapat. hindi pa kasi ako handang makasama ka ng mag-isa lang habang naglilibot sa kung saan man. although gusto sana kitang makausap talaga ng matiwasay. para iparating sa iyo ang mga bagay bagay na sa tingin ko e para sa ikabubuti mo at ko na rin.

isang malupet na SORRY... ang gulo-gulo ko. at sorry dahil hindi mo alam kasama ka na sa kaguluhang ito. kawawa ka kasi wala ka pang alam sa mga kaguluhang sinasabi ko.

sana biglang hindi ka na lang magparamdam, tapos biglang gone ka na. kasi sa ganung paraan, kahit alam kong malulungkot ako kasi paasa ang dating mo. pero ayos lang kasi im the long run ay ok din ang kahihinatnan. kung baga, everybody'll be happy.

ewan ko ba. natatakot ako sa maaring maging kasunod ng getting to know you stage na ito... pinipigilan ko na ngang matuwa ng lubos. at nagsisimula na rin akong malungkot...

2004-06-15 20:03

---------------------

natakasan kita. hehehe.

SORRY.

you just had to call, sabi mo. sana hindi na lang. kanina kasi mejo klaro na sa akin na hindi kita maaring magustuhan dahil sa mga bagay bagay. pero parang may alter-ego ka na kapag nakakausap kita, yun yung nagaappear. tapos na-iimagine ko na yung ikaw minus yung mga bagay na nagsisilbing rason kung bakit kita hindi pwedeng magustuhan. tapos natutuwa ulit ako.

kakaiba, you make me happy and sad at the same time, for the same reasons.. salamat na rin, natutuwa ako.. at natututo.

magtulungan tayo, para parehas tayong maging matagumpay in the end. ok ba yun? ha?

2004-06-22 02:23

You can leave your response or bookmark this post to del.icio.us by using the links below.
Comment | Bookmark | Go to end