<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7629451\x26blogName\x3dtOts+to+ponder..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://decaffein8d.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://decaffein8d.blogspot.com/\x26vt\x3d-1489537918626018001', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

tOts to ponder..

"As much as I would want to share every complicated thought that runs through my head, I believe speech does not permit me to do so. Writing it down perhaps may help me come up with a good approximation."

hindi ako umiyak Saturday, June 26, 2004 |

kaasar, namumula pa rin yung mata ko... GRRRRRR! kahapon pa to hindi na nawala. hindi naman sore eyes. nairritate ata sa contacts. pero ngayon lang talaga nangyari sa akin to. ang scary ng itsura nung mga nerves, parang galit na galit sila.

nakakahiya pa, kasi naman, ang dami ko pang nakakasalamuhang tao kahapon. lahat sila yun ang unang napapansin... yung iba pa tuloy akala umiyak ako. nyak, anuna!

----------

haaaaay, sa wakas naayos ko na ang kuwarto ko. ang dami ko talagang kalat. bigla ko lang narealize, habang tumatanad ka, naiiba talaga ang mga interests mo. yung mga dating bagay na mahalaga sa iyo, paglipas ng panahon, hindi na rin pala ganun kahalaga. tulad nung mga readings and stuff nung highschool. nakakatawa, dati e parang ayaw ko pa ipagtatapon yung mga yun kasi sabi ko highschool stuff ko yun---alaala ng nakalipas. kahit yung mga tipong xerox lang ng kung ano na alam ko namang hindi ko na magagamit pa muli sa buhay ko. ngayon, although may panghihinayang kasi nga hindi ko na sila magagawa pang i-keep, maitatapon ko na sila.

naalala ko tuloy ang mga highschool memories. pati na rin yung nung elem. lahat ng mga nakalipas. kung tutuusin, kapag nagrereminisce talaga, magkasama ang lungkot at saya. nakakaaliw kasing maalala ang lahat, at nakakalungkot kasi lahat iyon, kahit gaano pa kaganda at kaprecious, hindi mo na mababalik. taposna nga kasi.

nakita ko nga ulit, sa pag-aayos ko ng mga gamit ko, yung sinimulan kong isulat na whatever essay tungkol sa buhay at mga bagay na dumarating at lumilipas. hindi ko pa rin tapos. sinimulan ko yun last sem during my most boring class ever---ChE 197. ayos din naman pala ang produkto nung subject na iyon. nakakapaglikha ako ng mga senti-sentihang essays.

pag natapos ko yun ilalagay ko dito.

-recall- Thursday, June 24, 2004 |

marami akong gustong ipaliwanag sayo, hindi ko nga lang alam kung san ako magsisimula. hindi ko rin alam kung maiintindihan mo. sa tingin ko hindi, kasi naman talagang ang gulo-gulo ng mga yun. pero watdaheck...

dinedread ko ang moment na ayain mo ako uli. kasi honestly, hindi ko hindi gustong lumabas with you. yun nga lang, alam kong hindi pa dapat. hindi pa kasi ako handang makasama ka ng mag-isa lang habang naglilibot sa kung saan man. although gusto sana kitang makausap talaga ng matiwasay. para iparating sa iyo ang mga bagay bagay na sa tingin ko e para sa ikabubuti mo at ko na rin.

isang malupet na SORRY... ang gulo-gulo ko. at sorry dahil hindi mo alam kasama ka na sa kaguluhang ito. kawawa ka kasi wala ka pang alam sa mga kaguluhang sinasabi ko.

sana biglang hindi ka na lang magparamdam, tapos biglang gone ka na. kasi sa ganung paraan, kahit alam kong malulungkot ako kasi paasa ang dating mo. pero ayos lang kasi im the long run ay ok din ang kahihinatnan. kung baga, everybody'll be happy.

ewan ko ba. natatakot ako sa maaring maging kasunod ng getting to know you stage na ito... pinipigilan ko na ngang matuwa ng lubos. at nagsisimula na rin akong malungkot...

2004-06-15 20:03

---------------------

natakasan kita. hehehe.

SORRY.

you just had to call, sabi mo. sana hindi na lang. kanina kasi mejo klaro na sa akin na hindi kita maaring magustuhan dahil sa mga bagay bagay. pero parang may alter-ego ka na kapag nakakausap kita, yun yung nagaappear. tapos na-iimagine ko na yung ikaw minus yung mga bagay na nagsisilbing rason kung bakit kita hindi pwedeng magustuhan. tapos natutuwa ulit ako.

kakaiba, you make me happy and sad at the same time, for the same reasons.. salamat na rin, natutuwa ako.. at natututo.

magtulungan tayo, para parehas tayong maging matagumpay in the end. ok ba yun? ha?

2004-06-22 02:23

JM Reyes |

ang cute cute talaga ni jm sobra... gusto ko siyang maging lil bro. there was this one time nung after siya ma-eliminate, napanaginipan ko siya. umiiyak daw siya kasi nga natanggal na siya, tapos kinocomfort ko siya. tinanong ko pa daw siya kung gusto niyang maging lil bro ko. kaso nagising na ko nun.

ang cute cute niya talaga. napakapoging bata. isa na siya sa mga anak ko.

jm, anak, mahal kita!

zzzzz... Tuesday, June 22, 2004 |

supposedly, sa oras ngayon, either nagbabasa dapat ako ng foust or natutulog na. pero dahil ang tagal madownload nung mga songs na kailangan ko, hindi ko magawa kahit ano man dun sa dalawa... at bukas kailangan ko pa gumising ng maaga for my 7am class... nice. well sige, pampalubag-loob, at least finally nakapag-open na ako ng account dito. ha! may bago na kong outlet sa mga hinaing ko sa sarili ko at, well, sa sarili ko pala mostly.

first post ko. ano ba magandang ilagay para maging interesting naman itong forst post ko??? hmmm...

nyak wala akong maisip. saka na nga lang.