badtrip Sunday, July 25, 2004 |
inahit yung kilay ko. sabi ko kung pwede wag na lang eh. but no, hindi daw pwede. at un na nga *ahit, ahit* tabas na kilay ko... ng ganun ganun lang. huhu..
sabi ko pa man din aahitin lang kilay ko kapag ikakasal na ko - as in with 'the one'. pathetic pero watdaheck. basta sabi ko gusto ko ganun. pero dahil nga inahit na siya ngayon, na-void ang sinabi ko.
alam kong hindi maayos ang kilay ko. oo makapal siya at sabog pa nga ata. e ano ba, i prefer it that way. ngayon tuloy pag tingin ko sa salamin feeling ko hindi ako... malaki ang nag-iba. huhu.
pramis pag tubo nito, never ko na uli ito papaahit. kahit sa gradpic ulit. basta hindi. magkamatayan na.
if only i can use my knowledge in turbo c programming to customize this blog of mine, i would. but i can't. that's why i'm seeking the help of those who do html progamming (attention bluporpol, basurero), so that i can somehow change the layout of this blog.
congratulations to me, i now have my own tagboard! and i also was able to upload my picture! but my idea of a perfect blog is far from completion...
patulong naman sa mga kinauukulan.
nag-isaw na naman ako, pero sige, sabi ko nga last ko na iyon. for this week. hehe. ang sarap e. naalala ko tuloy yung nagtitinda ng isaw dati dito sa tabi ng bahay namin. wala na kasi siya ngayon. umuwi ata ng probinsya. sa kanya ko unang nahumaling sa isaw. actually hindi lang sa isaw, pati sa paa a.k.a. adidas. dati natatakot ako pag nakakakita ko ng ganun. pero nung natikman ko yung sa kanya na luto, haaay... ang sarap.
dati sa kalay ako nag-iisaw. sabi ng maeami masarap daw kasi dun. and since hindi ko pa alam kung san yung sinasabi nilang isa pang isawa, yun ngang sa may ilang, dun ako sa kalay bumibili ng isaw. nagtaka pa ko kasi hindi ako nasarapan ng katulad ng sinasabi nila.
tapos nito lang july, naintroduce na sa akin (at long last. pang-apat na taon ko na sa UP ngayon lang ako napadpad dun...) ang masarap na isaw ng ilang. grabe, no match yung sa kalay. (pasensya na sa kalay isaw fans). tapos ang sarap din nung isaw baboy nila. pati yung barbecue. pati yung bulaklak (ito para sa akin ang da best). pati na rin yung taba. hehe, weird nga kung iisipin, pumapapak ako ng taba! pero ang sarap kasi, ang lasa-lasa nila. hindi ko tuloy mapigilang icompare dun sa kalay. no match talaga.
sabi ko nga kanina kinse lang gagastusun ko for isaw (narealize ko hindi rin pala isaw ang binibili ko kundi yung ibang tinda, pero sige let's stick with the collective term 'isaw'). kaso bitin talaga. kailangang mag-take two. pramis hindi na muna ko ulit mag-iisaw this week. sabi ko kasi mag-iipon ako, napupunta naman sa sikmura ko lahat ng supposedly naiipon ko...
next week naman uli.
nuninu.. Sunday, July 11, 2004 |
after a bit of contemplation, i've come to a realization that this is a happy day.
and i'm happy because, well, i just am.
sige na nga. may nakausap kasi akong tao. hehe, scary naman kung hayop diba? at mejo luminaw ang mga bagay. at least yung initial point ay finally na-klaro na. hindi naman todo big deal. pero ang maganda dun, i don't have to assume anything anymore, dahil after so long ay finally isa na siyang 'given'.
ayan na naman ang tungkol sa assumptions na iyan. sabi ko nga kay klaypeene , ironic, dahil bilang isang chem eng'g student, kailangan magaling kang mag-assume, pero sa tunay na buhay, delikado kung assuming ka.
buti na lang ngayon alam ko na. nasabi mo na. naks. obvious na hindi madaling gawin iyon. hehe, nakakatawa pa nga ang proseso. pero nagawa mo. huwaw. congratulations, graduate ka na ata sa pagiging hunghang.
andun ang mga ermies, including marcus. pero hindi sila ang bida. hindi rin si marcus. iba.
ang setting ay sa third floor, sa may tambayan. andun daw ako at ang mga ermies. basta may something kasi sila kaya andun sila. tapos umalis na sila, hindi man lang daw kami nagbatian ni marcus. tapos nalungkot daw ako.
tapos dumating si *ma-actual coursemate* at parang sinamahan niya ko somewhere, kasi nga daw malungkot ako. tapos basta ang weird kasi nagbobonding na ata kami at nagshshare-an ng mga kwento at bigla kong naisip na may something. tapos parang sinusuportahan ng mga tao sa paligid, ewan ko kung nang-aasar ba sila, hindi ko maalala. so yun. at since IP ko nga kasi siya ay natuwa ako.
tapos ang weird, kasi parang ang nangyari ay biglang close na kami (alam naman natin ang mga panaginip, anything can happen), tapos inaantok daw ata ako (pasensya na, ang gulo ng flow), tapos nag-offer siya na sa lap niya humiga, at pumayag nga ako kasi raw close friends kami.
tapos parang bangagers na ata ako at parang may pipol sa paligid na tinatanong siya kung ano na. basta ang essence ng sinabi niya ay hindi niya malaman kung pano aaminin kasi nga friends kami, e mejo gising pa daw ako nun kaya sort of naririnig ko. ang weird pa kasi alam niya atang mejo gising pa ako (sabi ko nga sa panaginip anything can happen). at sinusuklay-suklay niya raw ang buhok ko during those times... NYAK!
ang labo, paggising ko naweirduhan ako siyempre, tapos nakatulog ulit ako. at parang part 2 dun sa unang panaginip, dun naman nashare ko na daw yung panaginip ko with my friends at sabi nila, true to life daw kasi yung dream na yun. e di naweirduhan ulit ako. tapos nagising ulit ako, at naweirduhan pa rin. at nakatulog ulit ako (loop na ito). at paggising ko, ito na yung last, ayun bumangon na ko kasi naman alas-dose na.
blurry Friday, July 09, 2004 |
ang hirap talaga ng malabo ang mata.
dalawang araw na ring hindi ko sinusuot ang contacts ko. kaya naman balik glasses ako. ang hirap nga lang kasi nakakasakit ng ulo. pano kasi yung area lang na directly in front of your eyes ang malinaw. kapag inikot-ikot mo yung mata mong ganyan, malabo na ang makikita mo. kamusta naman kasi ang grado ko diba? isang tumataginting na 500. ang layo sa pagiging 20-20. kaya inaalis-alis ko din kapag wala sa class.
nakakahiya pa sa mga tao. marami-rami na rin yung mga bumabati sa akin na nassnob ko unintentionally kasi hindi ko narerecognize kung sino. may isa nga, ako pala yung kinakawayan, dineadma ko naman. naisip ko kasi what if hindi naman pala ako yung kinakawayan niya, eh di nakakahiya yun. buti na lang yung iba narerecognize ko yung boses at form kaya pag tinawag ako nagegets ko kung sino sila.
pero kanina nakakatawa. nung pauwi na ko, may lalaking tumawag sa akin, andun ako nun sa may tapat ng walk papuntang mainlib. pagtingin ko hindi ko marecognize yung mukha niya. e di ko rin gaano kakilala yung boses at form. ang pagbati niya pa sa akin tipong by name, sabay tanong ng kamusta na. hehe. ang sabi ko na lang "ok lang", sabay lakad pa rin ng tuloy-tuloy. parang ang isnabera tuloy ng dating, hehe. pinag-iisipan ko kung sino talaga siya pero inaabandon ko rin yung mga hinala ko kasi sobrang walang kasiguruhan. kung sino man siya at least diba kahit papano nabati ko siya.
sa susunod pang linggo ako pwede ulit magcontacts. ang bilin kasi nung doctor, after magrest ng mata, saka irerefract para masukat grado para makabili na ng bagong contacts. pero pag naiisip ko na matagal pa ang isang linggo, naaaligaga ako. nakakainip ata yun. gusto ko nang bumalik sa pseudonormal vision ang mata ko.
PI na naman. at least gising na ko. kanina kasi nakakatulog ako. hehe, antukin talaga. nakakahiya, nakaharap pa si sir. di ko lang sure if nakita niyang bangagers ako. hehe, kadiri.
----------
narealize ko, hapit pala ako sa tulog this week. ang weird, feeling ko umikli yung araw ko. ewan ko ba. starting this sem, parang gahol na gahol ako sa oras. to think 2:30 at 4:00 ang uwian ko. well sige, dahil nga pala sa mga meetings eh ala na din siyang gaanong effect. pero ang weird lang kasi parang pag-uwi ko, ang onti na lang ng nagagawa ko. tapos sobrang antok na ko. napapaisip tuloy ako, huhu, sabi kasi nung isang fifth year kala niya raw batchmate niya ako.. huhu, nakakaoffend naman ata yun. ibig sabihin mukha na kong matanda?!? kahit one year ahead lang, it matters noh! sabi pa naman ng tita ko hindi ako mukhang magbebente na.. mukha daw akong 17-18 pa rin. eh ba't ganun? siguro dahil sa stress... sa dapat na ba kong mag-stresstabs??? nyak. di naman.
puro na ko exams next week. congrats sa akin. hindi pa nga ako nakakabawi sa mga pagpupuyat ko eh. sad naman, kailangan ko na mag-budget ng time para sa pag-aaral. hellur naman kasi, halos everyday next week may exam ako... exagg talaga.
----------
ang haaaaba ng scope ng PI.. grabe. todo effort na naman sa pag-aaral. ang haba ng reportings. di naman ako nakikinig... pero in fairness, congrats sa akin, gising pa rin ako!
malapit na mag-time, haaay... sana matapos na ito.
sa tingin ko, si sir PI ay may sayad. malakas ang kutob ko. ang lupit. seryoso siya sa mga ka-ewanang pinagagawa niya sa aming mga estudyante niya. katakot. freakish ang dating niya. scary talaga.
hmmm... ok tong katabi ko ah. ngayon ko lang siya napansin. in fairness, may itsura siya. hehe. IP!
----------
nakikita ko kay sir yung orgmate ko, si fra. hehe, magkamode sila ng pagka-OT. baliw talaga si sir.
aaaaah... grabe, sobrang inaantok na ako. kailangan ko magresort to things like eto nga, pagsusulat, para lang makatakas sa hatak ng kaantukan. ang problema nga lang, hindi ako nakakapakinig kay sir.
hindi ko tuloy maintindihan kung anong dinidiscuss niya... sad. maxwell daw o. maxwell equations... gusto ko ng maxwell house 3-in-1 coffee. now na.
this irya...(area) ---sir 122