<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7629451\x26blogName\x3dtOts+to+ponder..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://decaffein8d.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://decaffein8d.blogspot.com/\x26vt\x3d-1489537918626018001', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

tOts to ponder..

"As much as I would want to share every complicated thought that runs through my head, I believe speech does not permit me to do so. Writing it down perhaps may help me come up with a good approximation."

marcus

hey.

mejo mahirap yung panahong kinakalaban ko ang sarili ko. noon yun. peace na kami ng sarili ko ngayon.

siguro kasi narealize ko na may rason kung bakit kita nakilala...
naniniwala akong bawat tao, kahit sobrang saglit lang ng interaction sa isa't-isa, ay pinlano ng Diyos na mapadpad sa buhay natin para na rin sa ating ikauunlad. may mga iba na para pasayahin tayo, may iba namang para turuan tayo ng leksiyon ng buhay.

nung nakilala kita, sabi ko isa yung pagkakamali... kaya naging akong slave ng thought na iyon. alam kong during those moments e nagdudulot ka ng saya pero pilit kong sinasabihan ang sarili ko na mali iyon. kasi hindi tama. hindi dapat. kaya ang net effect ay kalungkutan.

hanggang sa dumating ako sa punto ng sobrang kalungkutan... iniyakan nga ba kita? hindi naman siguro. ewan. pero sobrang nalungkot ako noon. masyado ko kasing pinagtuunan ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat. naging mapilit ako sa views ko. hindi ko man lang naisip na hey, ano ka ba, may bigger plan ang Diyos.

buti na lang narealize ko na yun ngayon.

hindi ko naman sinasabing mali ang naging interpretasyon ko, at we're meant to be together pala talaga. ang sa akin lang, 50-50. hindi ko alam kung anong maaring mangyari sa future. si God lang ang may alam nun. basta ang alam ko, may rason kung bakit ka Niya nilagay sa buhay ko. maaring para pasayahin ako, maaring para turuan ng leksiyon, maaring parehas. kung ano pa mang rason iyon, alam kong para rin iyon sa ikabubuti nating parehas.

sabi ko dati, sana hindi mo na lang ako nakilala, para hindi na rin kita nakilala. binabawi ko na.

SALAMAT. dahil po anjan ka.

You can leave your response or bookmark this post to del.icio.us by using the links below.
Comment | Bookmark | Go to end