blurry
ang hirap talaga ng malabo ang mata.
dalawang araw na ring hindi ko sinusuot ang contacts ko. kaya naman balik glasses ako. ang hirap nga lang kasi nakakasakit ng ulo. pano kasi yung area lang na directly in front of your eyes ang malinaw. kapag inikot-ikot mo yung mata mong ganyan, malabo na ang makikita mo. kamusta naman kasi ang grado ko diba? isang tumataginting na 500. ang layo sa pagiging 20-20. kaya inaalis-alis ko din kapag wala sa class.
nakakahiya pa sa mga tao. marami-rami na rin yung mga bumabati sa akin na nassnob ko unintentionally kasi hindi ko narerecognize kung sino. may isa nga, ako pala yung kinakawayan, dineadma ko naman. naisip ko kasi what if hindi naman pala ako yung kinakawayan niya, eh di nakakahiya yun. buti na lang yung iba narerecognize ko yung boses at form kaya pag tinawag ako nagegets ko kung sino sila.
pero kanina nakakatawa. nung pauwi na ko, may lalaking tumawag sa akin, andun ako nun sa may tapat ng walk papuntang mainlib. pagtingin ko hindi ko marecognize yung mukha niya. e di ko rin gaano kakilala yung boses at form. ang pagbati niya pa sa akin tipong by name, sabay tanong ng kamusta na. hehe. ang sabi ko na lang "ok lang", sabay lakad pa rin ng tuloy-tuloy. parang ang isnabera tuloy ng dating, hehe. pinag-iisipan ko kung sino talaga siya pero inaabandon ko rin yung mga hinala ko kasi sobrang walang kasiguruhan. kung sino man siya at least diba kahit papano nabati ko siya.
sa susunod pang linggo ako pwede ulit magcontacts. ang bilin kasi nung doctor, after magrest ng mata, saka irerefract para masukat grado para makabili na ng bagong contacts. pero pag naiisip ko na matagal pa ang isang linggo, naaaligaga ako. nakakainip ata yun. gusto ko nang bumalik sa pseudonormal vision ang mata ko.