<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7629451\x26blogName\x3dtOts+to+ponder..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://decaffein8d.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://decaffein8d.blogspot.com/\x26vt\x3d-1489537918626018001', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

tOts to ponder..

"As much as I would want to share every complicated thought that runs through my head, I believe speech does not permit me to do so. Writing it down perhaps may help me come up with a good approximation."

panaginip Thursday, September 23, 2004 |

napanaginipan ko kayo ni *exgig* kagabi. bumalik daw si *exgig* at kinausap ako tungkol sa aming dalawa. bumati ng belated happy birthday sabay nagbigay ng letter... at dun sa letter niya ni-reveal ang lahat ng nangyari sa loob ng magtatatlong taon nang hindi kami. hanggang ngayon daw ay pinagdarasal niya ako... alam niyang nasaktan niya daw ako before pero sabi niya la na daw siyang better way of breaking up kundi ang sabihing hindi na niya ko mahal--kahit hindi totoo. at nabulabog muli ang mundo ko. for 3 years halos, ang alam ko ay wala na siya. kaya minarapat ko nang mag-move on. at nagawa ko. hanggang sa ngayon nga at anjan ka na sa buhay ko.

umiyak ako ng mapait na iyak--siguro kasi gawa na rin ng panghihinayang sa lahat. bilang tao, oo, sayang. sobra. dahil swak sana siya. umiyak ako dahil swak siya at ikaw ay hindi... at oo, iyak nga yun ng panghihinayang. masakit man aminin pero ganun eh. at nakita mo ko nun na umiiyak, kaya naisip mo na naguguluhan ako at mahal ko pa siya. pero ang hindi mo alam, kasama sa iyak ko ang katotohanang hindi ko masabi sa iyo. kaya ganun na lang ang iyak ko kasi naisip ko, bakit ngayon pa after so long ko nalaman ang katotohanan. kung kailan alam kong over na talaga ako sa kanya, dahil inakala kong kailangan. kung kailan may bago nang person na handa kong mahalin; kung mahal ko na nga ba?... kung kailan hindi na siya ang pinagdarasal ko... iba na. ikaw na.

umalis ka nun. iniwan mo ako dahil sabi mo kailangan naming mag-usap ni *exgig*. at sabi ko, oo, kailangan nga. pero hindi dahil sa babalikan ko siya, kundi dahil sasabihin kong pasensya na pero ikaw ang pipiliin ko. oo ikaw. kahit na sawk siya at ikaw hindi.

sa panaginip ko, hindi ko na nasabi sa iyo ang lahat dahil umalis ka na at nagising na din ako. hindi ko nasabing ikaw ang pinili ko.

gusto kong malaman mo.

soundtrack Saturday, September 18, 2004 |

nakatagpo ako ng cd dito sa bahay habang nagtitingin-tingin ako kanina sa pile ng cds... and i came across a certain cd, ang cool kasi ng cover, parang abstract painting ang dating. ang title nung cd
ACOUSTIC ALCHEMY: Against the Grain
sa album leaf pa lang ay natuwa na ako. ang cool kasi nung itsura. unconventional. e di syempre pinakinggan ko. at ang saya. although di naman lahat ng tracks e gusto ko, naaliw ako kasi nga guitar duets.. ang sarap pakinggan. at may dalawa akong paborito: Road Dogs at Across the Golden Gate. nakaka-soothe. ang saya.
----------
rewind ng onti pa kaninang umaga. nagulat ako kanina naalimpungatan ako at nagulat ako sa naririnig ko. mejo faint pa kasi kaya parang ang kakaiba ng dating... naririnig ko na may tumutugtog na orchestra! at ang tinutugtog? astig. Canon in D minor! as in yung sa my sassy girl na instrumental...ang ganda. para akong nananag-inip ng gising. nakakasenti.

at eto nga, hindi ko na siya nilubayan. paulit-ulit na siya sa player ko ngayon. grabe. kaantig. ung tipong parang namamanipulate ka to feel a lot of different emotions all at once--nakakakilig na ewan. nakakaoverwhelm... parang gusto mong maluha na ewan. ewan talaga. ang weirdo ko na ata. basta, isa siyang karagdagan sa soundtrack ng buhay ko.

ayan, gusto ko na tuloy ulit panoorin ang my sassy. mamaya.

etikang tagalog Friday, September 17, 2004 |

pambihira. inuuna ko pa ito kaysa bukreview. kasi naman, di hamak na mas madali itong gawin.

pero sawayin ang sarili. dapat by three ay matapos ko na ang bukreview. kaya dapat ay tigilan ko na muna itong mga "others" sa nakakadistract. sige na nga. ayoko pero nararapat.

dc na nga ako.

on fission and paglalakbay Thursday, September 16, 2004 |

natapos ko na sa wakas ang report namin sa 133. update lang tapos matutulog na ko.

nung tuesday, napag-usapan namin ni audric ang tungkol sa pagbblog---kung bakit pa ito ginagawa ng tao e gayung may mga tao naman siya sa paligid na pwedeng pagkwentuhan. naisip namin, paminsan, wel actually madalas pala para sa akin, bigla ka na lang magkakaroon ng mga ideas sa isip mo na right then and there ay gusto mo sanang ishare. yun nga lang, parang wala sa timing. siguro dahil iba ang mood, or pwede ring walang tao. tapos kapag nasa tamang mood na o kaya naman ay nagkatao na, hindi na swak sa moment na ishare pa. kaya nagbblog. kasi anytime, pwede ka lang basta na lang magtype ng hinaing mo sa buhay, mga agam-agam sa isipan, anything of that sort. siguro not necessarily blog. kahit mere doodles lang sa papel. gawain ko yun kahit dati pa. kaya naman nagpapasalamat ako ng lubos dahil yes-read-yes-write ako.

pumasok nga ang idea na pamisan winiwish ko na sana may isa pang ako. tipong biglang fission tapos tada! dalawa na ako. para pagdating ng mga panahong windangers ako, alam ko maiintindihan niya ako exactly the way na gusto kong maintindihan ako. aba naman, dapat lang, iisa kami e. katakot naman kung hindi pa kami magkaintindihan. ang saya siguro nun, tipong hindi ka na mahihirapan mag-explain ng pananaw mo, kasi alam niya kung ano ang mga iyon. at gets niya lahat. lalo sigurong masaya kung bigyan ka niya ng advise, na sobrang sswak sa kailangan mo kasi nga alam niya kung ano exactly ang sitwasyon mo. asteeeeg siguro pag ganun.
----------
nung monday (aka birthday ko) umagang-umaga nagpost ako ng something na malungkot. ang sarap talaga ng feeling kapag may napagbuhusan ka ng hinaing sa buhay (special mention kay audric, salamat!) kasi parang gumagaan. at nung naishare ko nga, kay audric at dito sa blog, gumaan ang pakiramdam.

in fairness tama ang hinala ko. hindi ka titigil hangga't hindi mo naaachieve ang "goal" mo. which was ang mapasaya ako sa bday ko. at salamat, successful ka. salamat. tunay.
----------
nakarating tayo ng ayala ngayong araw na ito. bakit? wala lang. salamat ng pala. kasi pinapatulan mo ang mga trip ko sa buhay. alam ko paminsan ang weird. at salamat kasi pinapatulan mo.

katulad kanina. after namin gumawa sa skul nung 133, sabi ko sa sarili ko meron akong approx. 3 hrs para magpakasaya. tipong walang nakalaang gagawin na requirement whatsoever. balak ko sana ayain ka sa sm, at inaya nga kita. kaso sabi mo masakit ang paa mo. kaya sabi ko sige wag na lang. sabi mo sa up na lang pero kasi sabi ko ayaw ko. feeling ko simula ng sem na ito, lagi na lang ako nasa up. parang feeling ko sobrang deprived na akong makapunta as ibang lugar. lagi may kailangang gawin. ultimo nga sta.lu hindi ko na napapasok para i-explore e. sa lagay na yun ay dinadaanan ko pa yun araw-araw ha.

kaya siguro gusto ko mag-sm. kaso nga ayaw mo. pero salamat kasi naintindihan mo na sawa na ko sa up at sobrang tagal ko na na di nakakalaboy sa outside world, kaya eventually ay pumayag ka na mag-sm tayo. pero since la nga tayong concrete plan of action sa kung anong gagawin sa sm, sinuggest ko ang aking mejo out of this world na proposal.

nasabi ko na na mahilig akong maglakbay, at nag-eenjoy ako sa pagtuklas ng mga bagong daan. salamat kasi nung sinuggest ko na bumiyahe lang tayo, kung saan man makarating, pumayag ka. dapat papuntang monumento yung sabi mo, pero sabi ko what if ayala. at yun nga, nag-ayala tayo.

ang saya. wala lang kasi. as in naglakad lang tayo nung dumating tayo sa ayala, dun sa mga underground walks. ang saya. kasi yun yung gusto ko, ang mag-explore lang. ang saya. kasi sinamahan mo ko sa kalokohang trip ko sa buhay. ang saya. salamat.

after nun umuwi din tayo. wel kailangan na din, tapos na ang 3hr break from the real world. pero sulit ang 3 hrs na yun. sabi mo nga sana maulit. sabi ko din.

kaarawan Monday, September 13, 2004 |

happy birthday to me, happy birthday to me, happy birthday, happy birthday... happy birthday to me.

pasensya na, alam kong dapat masaya ako. oo, masaya naman ako. ngayon ay aking kaarawan. at marami na sa aking mga kaibigan ang bumati. salamat sa kanila. at sa iyo din. salamat sa countdown. naappreciate ko.

pasensya na, alam kong weird pero aaminin ko, malungkot ako. hindi ko kasi mapigilan. nung nagtanong ka kung anong gs2 kong gift, sabi ko wala, basta huminga ka lang. mali pala ang sagot ko.

umiinom ka ngayong mga sandaling ito. kung pwede nga lang sana na hindi ko na ibaba ung fone para hindi ka na nila mayaya... kung pwede lang. pero kasi meron ding sinecelebrate na bday jan ngyn. at ito nga ang rason kung bakit ako nalulungkot. kung alam mo lang. na kahit hindi na tayo nagcountdown, kahit wala kang anu pa mang gawing iba para icelebrate ang bday ko, basta hindi ka lang uminom. ngayon pang araw na ito. siyempre hindi ko naman ito masabi sa iyo...

nagpaalam ka sa kin, tinatanong mo kung pwede ba, nag-aaya kasi sila, magdiriwang daw. salamat kasi kahit hindi mo kailangang magtanong, nagpaalam ka pa din. naappreciate ko un. alam mo kasing ayaw ko un. pero alam mo na din ang sagot sa tanong mo. at alam kong hindi mo sila matanggihan... kaya nga ako nalulungkot.

nakikita ko ang effort mong umiwas. at sobrang nagpapasalamat ako doon. sobra. at pasensya na, pero kasi ang gusto ko totally hindi na. at alam kong mahirap para sa iyo yun. at hindi ko magawang hilingin sa iyo na tigilan mo na. hindi ko po kayang magdemand. ayaw kong magdikta. lalo na kung alam kong maligaya ka sa ginagawa mo. ang mahirap nga lang dun, hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko.. parang checkmate. hindi ko magawang humiling sa iyong tigilan na ang paginom, pero hindi ko rin gusto na umiinom ka. ano na? hindi ko alam....

siguro ito ang kapalit ng mga realizations ko. na gusto ko sanang iwasan dati... sabi ko after ni *exgig*papanatilihin ko ang bubble ko, para maging proteksyon sa kung anumang lungkot at sakit na maaring dumating. sabi ko hindi ko hahayaang mawala ang shield na yun. siguro dahil sa trauma na rin. ako kasi ung tipong taong pagnakapag-isip na, nawawala na ang bubble. which makes me vulnerable to the slightest kalungkutan that may arise. ganito talaga ko e. at eto nga, unti-unti na atang numinipis ang shield ko...

tinanong mo ko dati kung ano yung pagkakaparehas at pagkakaiba niyo ni *exgig*. sinabi ko sa iyo kung ano yung mga parehas. pero hindi ko sinabi yung mga pagkakaiba, sabi ko akin na lang iyon. tinanong mo na lang kung ano ang implication nung mga pagkakaibang iyon, kung mas ok ba na magkaiba o hindi. hindi ko rin sinagot. sa totoo lang, hindi mahalaga sa kin yung mga yun, magkaiba kayong tao, natural. except dun sa mga tinutukoy kong pinakamahahalagang bagay...... dun ko hinihiling na sana.. sana nga magkaparehas kayo dun sa mga aspects na iyon. pero hindi ko yun kailan masasabi sa iyo...

don't get me wrong. gusto kong magpasalamat sa iyo. sa lahat-lahat. sobrang salamat. masaya po ako. pero hindi ko rin maiwasan na malungkot.. siguro hindi mo rin ata magugustuhan kung hindi ako malungkot, kasi ibig sabihin nun, wala akong pakialam.

naguguluhan pa rin ako.

pasensya na, kasi nakikita ko ang efforts mo para pasayahin itong araw na ito. oo masaya, pero malungkot din. pasensya na. hindi ko rin ata kayang sabihin na ganito ang naffeel ko. kasi alam kong malulungkot ka kapag nalaman mo.

hindi ko na alam. buti na lang marunong akong magsulat. at least dito pwede sabihin lahat. shock-absorber.

ewan ko.