<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7629451\x26blogName\x3dtOts+to+ponder..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://decaffein8d.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://decaffein8d.blogspot.com/\x26vt\x3d-1489537918626018001', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

tOts to ponder..

"As much as I would want to share every complicated thought that runs through my head, I believe speech does not permit me to do so. Writing it down perhaps may help me come up with a good approximation."

random Wednesday, August 25, 2004 |

ang lakas ng ulan. sobra.

ang aga kitang nakausap a! ang dami ko talagang kwento. basically puro *exgig* ang scope ng mga storya ko today. dami kong natutunang aral sa kanya. at mula nga sa mga stories kong ito tungkol sa kanya ay gusto kong may matutunan ka... tungkol sa akin. kung paano ko mag-isip. kung paano ko magreact. kung bakit ako ganito ka-cautious.

sana may mapulot ka. salamat po pala.

----------

gusto ko yung song na beautiful soul ni jesse mccartney. naaaliw ako sa beat pati ok din naman yung lyrics. at dahil nga doon ay gusto kong manood ng a cinderella story. hindi ko nga lang alam kung kailan at paano, mukhang walang time. sayang naman. pero gusto ko sana talaga. gusto ko ng ganun, yung mga tipong feel good movies lang na di ko kailangan mag-isip. wala lang. panoorin mo lang. pang-relax sa isang stressful sem.

bukas acle. hanggang 10am lang kung tutuusin ang pasok ko. hmmm... what if sm bukas from 10-1? pwede na yung pahinga. kasi 1 may practice na band. tapos 230 may volley game. haaay, gusto ko talaga mapanood sana yun... di ko lang alam kung papatulan ako ng mga prenliprens ko. si audric baka may date. sina twisted mind may tatapusing take home. si chinitz kaya? kaso hindi yun mapanood e. pero sana may pumatol sa akin. yoko naman kasing ayain si markus.

----------

pssst. ikaw. onga. pasaway ka. at alam mo ngang pasaway ka pero bakit nananatili ka pa ring ganun?!?! ang kulit! tsk, tsk, tsk.

----------

na-miss ko na ang isaw sa ilang. tagal ko na rin since last na kain nun a. kahapon nag-kalay isaw kami. no match talaga. bukas nga, or sa friday. a basta kapag may chance. at siyempre kung may pero to spare.

a tribute to (dakilang) caleb Sunday, August 22, 2004 |

amazing. isipin mo, halos two years ago, nakita ko ang isang taong epitome ng kabangagan. wala ka namang ginawa noon. basta wala lang, napansin lang kita. at masimula noon ay naaliw na ako sa iyo.

ang weird ng reason kung bakit ako nagka-interes sa iyo. kasi naman, kahit na ganyan ang itsura mo---bangag as always, nakakabilib din sa isang banda kasi wala kang pakialam sa itsura mo. in fairness sa iyo, malinis ka kasi tignan kahit bangag ang look mo. maputi ka kasi.

at natuwa nga ako sa iyo sa paglipas pa ng panahon. naging crush ba kita? hindi ko alam. highest form of ip siguro. kasi hindi naman kita kilala ng personal. pero malaki ang naging bahagi mo sa pagpapasaya ng araw ko tuwing makikita kita. siyempre hindi mo alam yun.

tapos nalaman ko na magiging tatay ka na. ang labo ko pero nalungkot talaga ako. alam ko wala sa lugar, as if naman kasing nangangarap akong maging tayo or something no! pero wala lang. siguro kasi parang feeling ko mawawala na yung karapatan ko (meron nga ba?) na maaliw sa iyo kasi magkakapamilya ka na. basta ewan. ang alam ko lang nun nalungkot talaga ako kahit alam ko rin na pathetic.

at nagfast forward na nga sa ngayon. sa hindi inaasahang mga pagkakataon, bigla ka na namang nag-aappear sa mga kwento, at hindi pa galing sa akin! nagulat na nga lang ako nung nagshare yung kausap ko tungkol sa isang taong hinahangaan niya dahil sa ideals. magaling daw mag-speak at prinsipyadong tao. nung tinanong ko kung sino yun nagulat ako---ikaw yun! asteeeeg talaga. ni hindi ko kailanman naisip. siguro kasi nai-equate ko na ang pangalan mo sa isang taong bangag, hindi sa masama yun ha, basta ganun lang, at natuwa ako sa iyo dahil dun. ayun pala naman, may mas kahanga-hangang ikaw.

hanggang ngayon ay nakukuwentuhan pa rin ako ng mga istorya tungkol sa iyo. at lalo nga akong bumibilib sa mga nalalaman ko. kakaiba ka. asteeg. passion mo ang pagtuturo. at kahit hindi ka kuntento sa sitwasyong ginagalawan mo ngayon, plano mong manatili, dahil para sa iyo, kung gusto mo ng pagbabago, bakit mo iiwan? ang galing. kasi yun din ang mga views ko.

so ano, crush ba kita? siguro sa direct translation ng word na iyon---paghanga, masasabi kong oo. kahang-hanga kang talaga. noon pa nga lang na babangag-bangag ka e astig ka na, ngayon pa kaya?

nyehehe Wednesday, August 18, 2004 |

astig talaga ang utak ng tao. paminsan napakahirap intindihin. hindi lang pala paminsan, madalas pala. at ang hirap kung walang outlet. naisip ko tuloy, paano na lang kung hindi ako marunong magbasa at magsulat. katapusan na siguro yun ng buhay ko. malamang sa malamang e nabaliw na ko. kahit kasi madaldal akong tao, hindi ko pa rin kaya lahat sabihin ang mga nilalaman ng isipan ko. lalong-lalo na yung mga magugulo. pati rin kasi ako naguguluhan. hehe, kaya upon delivery of message ay wala na. jumbled na.

pero dahil sa kakayahan kong magsulat, kahit mga mere doodles lang ng mga thoughts sa bagay-bagay, napapagaan ang pag-iisip. malaking pasasalamat sa nakaimbento ng mga letters. utang ko sa inyo ang pribilehiyong maibahagi hindi man sa lahat, at least sa sarili ko mismo, ang mga instant thoughts na hindi ko rin kayang ipa-stay ng matagal sa utak para i-relay pa sa iba.

----------

ang saya ng araw na ito. isa ito sa mga rare wednesdeays na kung tutuusin ay matagal ko nang inaasam-aam. ang walang gawin kundi mag-enjoy at talikuran muna ang magulo at busy na buhay! yahuuu!!!!! supposedly ay magbabasa ako ng coates para mag-aral sa PI. pero dahil iniwan ko sa tambayan yung book, kala ko kasi punta ko school ngayon, wala akong babasahin! supposedly rin kasi ay punta ko skul para tumambay for inhinyero at magbasa na rin ng coates, sama mo na rin para batiin ang isang prend sa kanyang kaarawan. pero nung tinanong ako ni mami kagabi kung may pasok ako ngayon, at dahil wala naman talaga kasi, sabi ko wala. yun. solb!

pwede pa rin sana ko pumunta skul, may valid reason--naiwan ko yung buk na dapat ko basahin. pero siguro tinatamad na rin talaga akong umalis, aalis din kasi ako bukas. naisip ko, wag na, magpahinga ka na lang today. magnet ka! yung leisure surfing lang talaga--download ng kanta, blog, chek ng email... manood kang tv! ang tagal ko na hindi nakakanood ng tv. pagdating ko sa bahay kadalasan kung hindi kailangan magpc, kailangan may basahin. ang pahinga ko na lang ay telepono... mag-vcd marathon ka! onga, gusto ko yun. rent nga ako maya ng mga vcds. yung mga film na tipong feel good lang na di kailangan pag-isipan. after all, bakasyon mode nga ako ngayon... kumain ka! well kahit kailan naman ginagawa ko yun... matulog ka all you want! hmm, yun, masaya yun!!! hehe. tulog galore for the day. wowwww... magbasa ka ng hindi acad book! yan ang namiss ko. tama. hiniram ko nga pala kay ate yung sequel ng bridget jones diary. tamang-tama, panoorin ko yung vcd tapos tsaka ko magbabasa! yehey, watabrilyantaydiya!!!
this is the life. isang araw na wala lang.

----------

isang maligayang bati sa isang pasaway na prend! sana ay masaya ka ngayon. after all, HAPPY birthday nga e diba? off naman kung sad birthday. sayang yung birthday countdown, hindi live. ohwell, enjoy your day. God bless! marami pa akong ishshare sa iyong mga kwento at views in life. sana ay patuloy kang makinig. salamat po sa masayang friendship! muli, happy new year!

worlds collide Monday, August 16, 2004 |

may kwento ako. tungkol sa dalawang taong masayang namumuhay sa kani-kanilang mundo. hanggang sa dumating ang pagkakataon ng nagcross ang kanilang landas. masaya oo. at dahil dun, pinangarap nilang manatili sa iisang mundo kung saan parehas silang magiging masaya. pero ang problema, magkaiba nga sila ng mundo. at hindi sila parehas willing na i-give up ang mga iyon. tanong ko lang, pano sila ngayon magiging masaya?

sa umpisa pa lang, alam kong magkaiba ang mga mundong ginagalawan natin. masaya ako sa akin, at alam kong ganun ka rin naman sa iyo. kaya nga alam kong hindi ka willing i-give up ang sa iyo, dahil ganun din naman ako. wala rin akong planong hilingin sa iyong talikuran ang masaya mong mundo. alam ko kasing masaya ka nga diyan. at alam kong hindi mo rin gugustuhing umalis. ganun din kasi ako, hindi ko gugustuhing iwan ang akin.


noon ko pa ito naisip, bago pa man magkaroon ng pagkakataong maging seryoso ang mga bagay-bagay. at ngayong nakikilala kita lalo, lalo kong napapatunayan na tama ang hinala ko. masaya ka jan. at hindi ko mahihiling na iwan mo ang mundo kung saan ka masaya. yan mismo ang bagay na naisip kong maaaring magpalungkot sa akin pagdating ng panahon. at eto nga, nalulungkot na ako.

hindi ko kasi alam kung ano ang sagot. pano nga ba? posible pa bang maging masaya kung ganun? paano kung ang intersection lang natin ay tayo mismo at ang kagustuhan nating sumaya? posible pa ba, kung ang mga mundo natin ay sadyang magkaiba?

sa wakas Monday, August 09, 2004 |

ewan ko lang ha. naka-ilang attempts ako maglog-in dito at sobrang laging hindi niya ma-connect. buti naman at eto, nakapasok rin ako.

i shouldn't be making an entry now, lalo pa't dapat sa mga panahong ito ay ginagawa ko ang book revirew namin for PI... pero kasi naman, gusto ko lang talaganag ishare na kanina pa ako nag-aattempt makalog-in...

asar mga GE talaga oo. pang-ubos oras at enerhiya.