worlds collide
may kwento ako. tungkol sa dalawang taong masayang namumuhay sa kani-kanilang mundo. hanggang sa dumating ang pagkakataon ng nagcross ang kanilang landas. masaya oo. at dahil dun, pinangarap nilang manatili sa iisang mundo kung saan parehas silang magiging masaya. pero ang problema, magkaiba nga sila ng mundo. at hindi sila parehas willing na i-give up ang mga iyon. tanong ko lang, pano sila ngayon magiging masaya?
sa umpisa pa lang, alam kong magkaiba ang mga mundong ginagalawan natin. masaya ako sa akin, at alam kong ganun ka rin naman sa iyo. kaya nga alam kong hindi ka willing i-give up ang sa iyo, dahil ganun din naman ako. wala rin akong planong hilingin sa iyong talikuran ang masaya mong mundo. alam ko kasing masaya ka nga diyan. at alam kong hindi mo rin gugustuhing umalis. ganun din kasi ako, hindi ko gugustuhing iwan ang akin.
noon ko pa ito naisip, bago pa man magkaroon ng pagkakataong maging seryoso ang mga bagay-bagay. at ngayong nakikilala kita lalo, lalo kong napapatunayan na tama ang hinala ko. masaya ka jan. at hindi ko mahihiling na iwan mo ang mundo kung saan ka masaya. yan mismo ang bagay na naisip kong maaaring magpalungkot sa akin pagdating ng panahon. at eto nga, nalulungkot na ako.
hindi ko kasi alam kung ano ang sagot. pano nga ba? posible pa bang maging masaya kung ganun? paano kung ang intersection lang natin ay tayo mismo at ang kagustuhan nating sumaya? posible pa ba, kung ang mga mundo natin ay sadyang magkaiba?

9:52 AM
"yan mismo ang bagay na naisip kong maaaring magpalungkot sa akin pagdating ng panahon. at eto nga, nalulungkot na ako."
at bakit ka kaya na lulungkot? signs... top