<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7629451\x26blogName\x3dtOts+to+ponder..\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://decaffein8d.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://decaffein8d.blogspot.com/\x26vt\x3d-1489537918626018001', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

tOts to ponder..

"As much as I would want to share every complicated thought that runs through my head, I believe speech does not permit me to do so. Writing it down perhaps may help me come up with a good approximation."

a tribute to (dakilang) caleb

amazing. isipin mo, halos two years ago, nakita ko ang isang taong epitome ng kabangagan. wala ka namang ginawa noon. basta wala lang, napansin lang kita. at masimula noon ay naaliw na ako sa iyo.

ang weird ng reason kung bakit ako nagka-interes sa iyo. kasi naman, kahit na ganyan ang itsura mo---bangag as always, nakakabilib din sa isang banda kasi wala kang pakialam sa itsura mo. in fairness sa iyo, malinis ka kasi tignan kahit bangag ang look mo. maputi ka kasi.

at natuwa nga ako sa iyo sa paglipas pa ng panahon. naging crush ba kita? hindi ko alam. highest form of ip siguro. kasi hindi naman kita kilala ng personal. pero malaki ang naging bahagi mo sa pagpapasaya ng araw ko tuwing makikita kita. siyempre hindi mo alam yun.

tapos nalaman ko na magiging tatay ka na. ang labo ko pero nalungkot talaga ako. alam ko wala sa lugar, as if naman kasing nangangarap akong maging tayo or something no! pero wala lang. siguro kasi parang feeling ko mawawala na yung karapatan ko (meron nga ba?) na maaliw sa iyo kasi magkakapamilya ka na. basta ewan. ang alam ko lang nun nalungkot talaga ako kahit alam ko rin na pathetic.

at nagfast forward na nga sa ngayon. sa hindi inaasahang mga pagkakataon, bigla ka na namang nag-aappear sa mga kwento, at hindi pa galing sa akin! nagulat na nga lang ako nung nagshare yung kausap ko tungkol sa isang taong hinahangaan niya dahil sa ideals. magaling daw mag-speak at prinsipyadong tao. nung tinanong ko kung sino yun nagulat ako---ikaw yun! asteeeeg talaga. ni hindi ko kailanman naisip. siguro kasi nai-equate ko na ang pangalan mo sa isang taong bangag, hindi sa masama yun ha, basta ganun lang, at natuwa ako sa iyo dahil dun. ayun pala naman, may mas kahanga-hangang ikaw.

hanggang ngayon ay nakukuwentuhan pa rin ako ng mga istorya tungkol sa iyo. at lalo nga akong bumibilib sa mga nalalaman ko. kakaiba ka. asteeg. passion mo ang pagtuturo. at kahit hindi ka kuntento sa sitwasyong ginagalawan mo ngayon, plano mong manatili, dahil para sa iyo, kung gusto mo ng pagbabago, bakit mo iiwan? ang galing. kasi yun din ang mga views ko.

so ano, crush ba kita? siguro sa direct translation ng word na iyon---paghanga, masasabi kong oo. kahang-hanga kang talaga. noon pa nga lang na babangag-bangag ka e astig ka na, ngayon pa kaya?

You can leave your response or bookmark this post to del.icio.us by using the links below.
Comment | Bookmark | Go to end