things to do Saturday, October 30, 2004 |
1. mag-dc maya-maya para makapanood ng tv si nanay
2. kumain ng lunch
3. maggrocery
4. hingin kay fra yung other sp stuff
5. tapusin ang sp
6. choir practice
7. manood ng tv
8. magbasa ng edge of reason
ano pa ba? hmmm...
malapit na ang enrollment. sunday, monday, tuesday, tapos wednesday, enrollment na! pero bago yun, mon at tue muna. pupunta kami tagaytay--kaming youth ng church. come to think of it, namiss ko na na makasama sila. hindi na kasi ako nakaka-attend ng celgroup every friday. nakakasama ko na lang sila sa sunday skul tsaka choir practice. pero hindi pa siyempre lahat nun. excited ma ako. bonding moment ulit.
==========
amazing kung iisipin ko. hanggang ngayon e hindi nakakalimot ang mom at ate ni *exgig&* sa pangangamusta. at ngayon pa, nag-iinvite na magbakasyon sa province nila! nakaka-touch kasi hindi sila nagbago. kaso hindi na rin ata proper na sumama-sama sa lakad ng family nila kami. wala ng link. sige, friends kami. pero diba? parang improper na. lalo ngayon.
sana maging close din ulit yung pamilya namin at pamilya ni boyps. sabagay, wala pang means of interaction ngayon. ang cool kasi pag close sila. parang dati. sobrang ok pag ganun! dibale, pagdarasal kong maging ganun.
==========
ayan, nagrereklamo na si nanay, buksan ko na daw yung tv.
nung nagtext ka sa kin kanina naisip ko, ano nga kaya yun? yung unang-una kong naisip, yun yung pinakamasaya. pero may iba pa kong naisip na posible rin naman. pero nung nagtext ka ulit to tell me exactly kung anong topic nga ang ikkwento mo.... ang saya. tama yung unang hinala ko.
hindi ko alam kung alam mo pero i have been praying for you dati pa. paiba-iba nga lang ang laman ng dasal ko. i even prayed to God na kung walang kahihinatnan ang lahat ng ito, wag ka na magparamdam at all. dati yun, nung mga getting to know you stage pa lang. at matalino talaga si God. He won't always answer you with a 'yes'. kasi alam Niya kung ano ang mas makakabuti. at mabuti na lang nabara ko, nagparamdam ka pa din kasi.
alam mo yung mga issues na dati na nating nadiscuss na maaaring maggive rise to conflicts. and i've been praying for those na mastraighten out. ang tawag ko pa nga dun ay yung mga 'pinakamahahalagang bagay'. especially about faith.
alam ko dati pa na pinakikinggan Niya ang mga dasal ko. it's just so wonderful na makita ang bunga ng mga iyon. lalo pa in you. nakakaiyak sa tuwa sa totoo lang.
siyempre patuloy kitang ipagdarasal. hindi mo na kailangan pang hilingin iyon. ikaw pa!
nuNIEnu... Wednesday, October 27, 2004 |
pinost ko ito sa isang thread sa peyups.. at babala sa mga tao, mushy ito. pero kebs, hindi naman ito para sa kanila..
ang funny. hindi ko na alam kung kailan ako huling sumulat dito. magmula ata ng dumating ka sa buhay ko? di ko na maalala..
nasa inyo ka ngayon. at mahigit isang linggo tayong hindi magkikita. andito ka nung monday, after one week of not being with you. hindi mo na kailangan pang itanong kung namiss kita. siguro tongertz ka na lang kung hindi mo alam iyon. sa totoo lang, sobrang namiss kita. ewan ko, ganun talaga.
ang pathetic ko kahapon. or ewan, napapathetican kasi ako sa sarili ko. parang hindi ako. pero naisip ko, i had been this way before na pala. nagiging cheesy ata talaga ang tao kapag nasa panahon. matagal din bago ako naging ganito ulit. hehe, ikaw kasi.
sori kahapon, naiyak kasi ako. ewan ko ba. siguro the reason why i was missing you more yesterday was because i knew that you're just a phone call away, but still hindi tayo magkausap. nasa mga tita mo kasi ikaw kaya nakakahiya magbabad sa telepono. naintindihan ko yun. pero siyempre, hindi pa rin maalis ang malungkot ako. mahigit isang linggo na naman kasi kitang hindi makakasama.. at gustuhin ko mang sulitin ang time na kahit sa fone ay makausap ka, hindi pwede.
sabi mo nakakalungkot pero kailangang magtiis. alam ko yun. actually, ang nakakatawa pa, ako ang nagsasabi niyan dati. hindi ko lang siguro kinaya na ipsych ang sarili ko kahapon kaya nilamon na ko ng kalungkutan.
6 na araw na lang magkikita na ulit tayo. sabi ko nga dapat positive ang outlook, para hindi malungkot masyado. at nag-agree tayo dun. oo, kailangan mag-tiis. kailangan magtiyaga. after all, love is patient. at mahal kita.
yun lang.
nakakatawa yung mga tanong. hehe. nakakatawa talaga. at ang resulta?
You Are Not Scary |
Everyone loves you. Isn't that sweet? |
sabi ko nga. hehe. everyone loves me daw o. weh???
You Are a Life Blogger! |
Your blog is the story of your life - a living diary.
If it happens, you blog it. And make it as entertaining as possible. |
ang konti naman ng tanong... pano kaya naconclude yun ng ganun kadali? pero sige na nga, in fairness, tsambalero. pagbigyan.
nakakalungkot. wala namang nadagdag sa mga subject na nakuha ko sa crs. well sige, i was expecting that to happen. pero siyempre diba hindi pa rin nawawala ang umasa na sana kahit papano magmilagro at may magandang kahinatnan ang second batch ng pre-enlistment.. pero, ganun talaga.
ang sad pa dun, hum 2 at sts ang hindi ko nakuha. kamusta naman, parehas pang GE. e as we all know, pahirapan ang manual enlistment ng GE. duduguin ka. haaay. parang di naman ako sanay e no? as if naman hindi ko ginagawa yun every sem. ang masaklap nito kapag hindi ka talaga nakakuha, at you have no options left kundi mag-prerog. isa pang circus na proseso(na namaster ko na ata, every sem na lang). sabagay naisip ko din, yun ang nagbibigay excitement sa enrollment. kung baga, mas matamis na feeling na after mong paghirapan na makakuha ng subject, makakapag-enroll ka pa din na kumpleto ang mga subjects na gusto mong kuhanin. that is kung makuha mo. so far matagumpay naman ang aking mga pakikipaglaban para sa mga subjects na gusto ko itake. at sa palagay ko naman , i will stand victorious pa din this sem... hehe.
ang tagal ko talaga kung maglaba.. katulad ngayon. it took me 4 hours to finish washing 24 pieces of clothing, puro shirt/blouse. a basta tops. hehe, hindi trumpo ha? hehehe. napakacorny ko talaga.
in fairness, kapag talaga hindi tide ang gamit ko, rare na magkasugat-sugat ang kamay ko. manual kasi ako kung maglaba. ayoko ng washing machine, wala akong tiwala. feeling ko hindi rin natatanggal ang mga dumi. mas magaling ata ang kamay ko!
at eto na nga, masakit na ang likod ko. oh well, ganun talaga. applicable pa rin ba hanggang dito ang no pain no gain? watebur.
==========
galing kami sa bahay ng isang friend kahapon. for the first time ever ay nakita namin ang kanyang baby girl!!!! grabe, sobrang cute, ang sarap lamugin. pero nakakatakot din kasi kaka-one month niya pa lang. parang napaka-fragile pa niya. lagot sa akin yun kapag mejo lumaki-laki na ng onti. lalamugin ko siya! nyehehehe.
sembreak Wednesday, October 20, 2004 |
tunay na ito!!!!! yahuuuuuuuu!
ang saya. sa wakas sembreak na. and yes, dama kong bakasyon talaga ito. sige, may stuff pa na kailangang atupagin pero generally speaking, ito ay isang BREAK. whew! last sem was really a hectic one. siguro sadyang yung mga subjects ko lang then ay matrabaho, not to mention those *&%@#%$* GEs... pero tapos na iyon! at sige, may natutunan din naman ako from them.
mayroon akong mga palabas sa tv na susubaybayan ngayon. one piece at rune soldier... hehe. ang saya ng ganitong life. panood-nood lang ng tv habang kumakain. at walang kailangang i-cram na kung anuman! ang sarap talaga ng buhay.
gusto ko din talaga magliwaliw this sembreak. after all, i believe i DO deserve to have this break. at yung tipong enjoy. kung pwede lang ba mag-beach, tipong subic ulit ganun... ala nga lang akong pera. nyehehe. malaking kalaban iyon. bitin ako sa outing, hindi naman kasi ako nakapagliwaliw, kailangan kasing magsilbi. pero masaya din naman kasi masaya naman ang mga tao.
2 weeks ito.. hmmmm. ibubudget ko na ang time. bukas dadalaw kami sa isang freind. sa friday, sige na nga, maglalaba ako. sa sat, aalis, tututoran ko si pat. sa sun, normal life: church, choir practice. tapos sa isang linggo.... wala pang plano!!! hmmm... monday ata punta si boyps at movie marathon, kamusta naman kasi sa spiderman 2, hanggang ngayon hindi pa namain napapanood. gusto ko sana mag-intramuros din... pero sige, nextime na yun. yun pa lang so far ang may plan. pati thursday pala, killer practice. hmm... iisipan ko nga ng iba pang enjoyable activities yung iba pang mga araw...
malapit na din magpasko!! sobrang Christmas season is in the air. ang saya saya, ito pa naman ang pinakapaborito kong panahon ng taon. YAHU!!!Ü.
naku, malapit na pala mag-one piece. dc na ko.
october twelve Wednesday, October 13, 2004 |
yep. yun na nga.
wala akong masyadong masabi. hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil sobrang dami kong gustong sabihin, at hindi ko alam kung pano lahat ishare. isa lang naman ang isinasaad ng lahat ng gusto kong sabihin na iyon. masaya ako.Ü
kahit gaano ko pa pilit idescribe in words kung ano exactly ang naffeel ko, sa tingin ko hindi pa rin kaya totally na madescribe itong saya na nararamdaman ko. hahayaan ko na lang din siguro na ganon...
gusto ko lang magpasalamat. una kay God. Siya ang dahilan kung bakit ka napadpad all of a sudden sa mundo ko, na dati ay kinuquestion ko pa kung bakit. ngayon, hindi ko man alam pa din kung ano ang plano Niya sa ating dalawa, nagpapasalamat pa din ako. anjan ka na kasi.
at siyempre pa salamat sa iyo. for simply being there. your presence is more than enough to make me happy. pasensya na nga pala kung hindi ko maipapangakong hindi na ko iiyak.. you overwhelm me so much that it makes me cry.. at kung yun din lang naman ang rason, ayos lang kung mamugto ang mata ko.
salamat sa iyo. maraming maraming salamat... nie.
pasensya na Monday, October 11, 2004 |
bakit ba may mga ganung tao sa mundo? ang nakakaasar pa, yung ibang tao, pinapatulan.. pwede naman kasing deadmahin na lang diba? pasensya na. sa totoo lang, wala akong balak magpost ngayon kahit kanina pa ko nakababad dito sa net. pero hindi ko na lang kasi kinaya...
halimbawa. may nagtext sa iyo na nakikipagtextmate. yung tipong alam mong namfflirt lang (pasesnya na for the term). siguro naman at this age, one is old enough to judge kung ano ang innocent text sa hinfi diba? or feelingera lang ba ko? pasensya na kung ganun.
or kapag may sinabi about you na tipong hindi ma dapat na malaman, kasi nga tungkol sa iyo. pero sinabi pa talaga sa iyo(pasensya na deathstrike kay chuvaness kung sino man ha). diba? ang weird kasi e.
or kapag may sinend sa iyo sa pm ng friendster, take note. PM ng friendster at hindi sa bulletin board. na about kissing... at yung nagsend ay tipong crush-crushan ka... diba??? at magrereply ka pa ng leading na reply???? isang malaking hellur.
ang mas nakakainis pa sa mga ganitong tao e yung mga taong dapat hindi na lang pinapansin yung mga ganitong tao but no, pinapatulan pa! am i over reacting? ewan ko. kung oo, pasensya na. pero kasi. diba? sabi ko nga, i think at this age, we're old ehough to see through schemes that lame.
wala lang. ito ay ang aking third person point of view. kahit sino sigurong tao pa, ganito pa rin ang irereact ko. ang ewan lang kasi talaga. diba? patulan pa daw ba? oo, sobrang nakakapantaas talaga ng kilay. pasensya na. siguro kasi ganito lang talaga ako.ang sa akin, yung mga ganun di na dapat pag-aksayahan ng panahon. nasasatisfy kasi sila e, yun kasi ang gusto nila. pansin. whatever talaga.
obvious bang nagsusumidhi ang damdamin ko habang sinusulat ko ito? wateber. hindi ko lang talaga kasi macontain. kailangan ko nga outlet. at ito na ang best na naisip ko. kung irrational man ako, pasensya na.
pero sa palagay ko hindi.
oo, nagnenet ako ngayon. umuwi nga ako ng maaga para lang dito e. sabi ko kailangan kong mag-search ngayon ng topic for my ce paper. i had the drive and the willingness na tapusin siya ngayon. ang problema--wala pa akong topic. as in. blanko ang isip ko. pano ko gagawa kung walang topic hindi ba?
natry ko na ang real estate. kaso na-lame-an naman ako. gusto ko kasing humanap ng topic na sobrang can relate ako para naman hindi maging dusa ang paggawa, at least ma-enjoy ko diba? pero wala talaga akong maisip na topic na swak. ngayon sinusubukan ko ang plans ng smart... tignan ko kung pwede. kanina nga tinry ko ang unlimited internet subscription versus prepaid e. kaso hindi ako nakahanap ng rates or packages, kaya hininto ko. sana may mapala ako dito ngayon as smart... sana.
buti pa si rj productive. andito siya ngayon sa bahay, nag-aaral ng onse. ayun o, sa terrace. ako kanina pa dito sa harap ng pc ala pa din. nag-crs na nga lang ako e. hanggang sa nakagawa na nga ako ng sked. at eto, la pa ring pag-usad sa ce... haaaay.
sana mamaya talaga magkakita na ko ng liwanag dito. balak ko kasi matapos siya sana by tomorrow para sa friday ipapass ko na lang. i'm still hoping....
ang tagal kong nawala. nasira kasi yung internet explorer namin. kaya pag nagkokonek ako, chikka lang at ym ang lumalabas. si ate lang ang nageenjoy kahit walang explorer, gawa ng kanyang mga prens all over... hindi ko magets ang kanyang pagkahumaling sa pagchchat.. with lotr fans oloberdaworld. pasensya na aking kapatid.
anyway, e di yun nga. at buti na lang naisip niyang mag-hanap ng ibang net explorer at ayan, nag-install na siyang bago. at take note, hindi lang isa! TATLO! patawa no? hindi rin marami.. kaso lahat may fallback e. para sa akin. yung opera, sinisira niya yung layout nung site. kagulo tuloy mga buttons ng yahoo. yung netcaptor nag-eerror. yung firefox din. haaay. nagtsatsaga ako ngayon dito sa opera, kahit sira layout. basta may magamit.
di pa ko nakakapgcrs... mya siguro. aalamin ko muna yung sked namin for this coming sem. hindi pa naman siguro deadlyn diba?
ang sarap, mejo maluwag from pag-aaral ang sked ko ngayon. but not with paggawa ng projects. at may paper pa pala ng malena. naku, kailangan ko na pala ng concept for ce project. anubayun, kakasabi ko lang na mejo maluwag sked, bigla tuloy nagdagsaan sa utak ko ang mga kailangan kong gawin. pambihira naman. marami nga pala sila...
pangarap ko pa ring makapag-cs ngayon. sana kayanin. sana kahit sakto lang. sana. haaay.